Tuesday, September 3, 2013

S.

Hi Super Friends! Ang tagal na nung huli kong post, 18 days ago pa, dyusme ako na ang sabaw! Hahaha Di ko alam kung paano ko susundan yung "feeling" matalino post ko. Sabaw na sabaw lang talaga ang kautakan ko ngayon at isa pa rin akong dakilang tambay. Wahahahaha Napa-"WHAT???" siguro kayo ng bonga sa sinabi kong tambay pa rin ako till now samantalang 5months na ang lumipas nung gumraduate ako eh waley pa rin ang kagandahan ko, di pa rin working girl ang peg. Di naman sa nahihirapan akong maghanap, ang totoo nyan eh di pa talaga ako naghahanap. Yeah, di pa ako nagstart magpasa ng resume and stuffs like that. Wanna know why? Kasi walang salapi. Di pa ako kasama sa household budget. Napauwi kasi si Paps from Abu Dhabi at last month lang sya nakaalis papuntang lupain ng mga arabo so ayun kapag maiksi ang kumot matutong mamaluktot ang peg ng whole family. Nasa 3rd year college ang isa sa aking sisterette and 4th year high school at grade 6 naman ang pangatlo at bunso. So kinda bonga gastos ang whole pamilya me kaya saka na lang daw muna ako maghanap kapag may maibibigay na sila mom and dad na kaperahan sa akin to pursue my working girl dream. Hahahaha

Bagot na bagot na talaga ako in all honesty, as in! Nabasa ko na lahat ng manga na pwede kong basahin, panuorin ang lahat ng anime na meron ako, rerun pa nga ng rerun ang peg nung iba. Nasuya na rin ako sa kakainternet at kakapuyat. Sukang suka na talaga ako ng walang ginagawa. for the last 5months. Suko na ako sa buhay tambay. Di ko kaya. I give up!! Di ko nga alam kung paano nakakatagal yung iba dyan eh siguro dahil di naman ako lumalabas ng bahay, amputla putla ko na kaya. Ok lang naman ako na pumuti ako kaso yung healthy na pagputi naman sana. Hahahahaha

Actually kaya gusto ko na ring magkawork eh para na rin makatulong sa aking beloved pamilya, hahaha totoo yan promise! Syempre di ko itatanggi na para may sarili na akong pera at ng mabili ko mga gusto ko pero gusto ko rin talagang makapagbigay na ng perang pinaghirapan ko kay mader. Gustong gusto ko ng matupad yung pangarap kong every month eh idedate ko alternately ang isa sa kanila para ipagshopping. Deym! Kinikilig ako kapag naiisip ko yung shucks! =D Tapos bet na bet ko rin yung thought na pupunuin ko yung fridge namin para di puro tubig ang laman. Ang saya nun ramdam na ramdam ko yung excitement. Hahahaha

Ang dami pa rin kasi naming utang so yung sweldo ni paps eh mauubos agad pambayad wala ng extra para kahit papano eh may pangsplurge sila mom then kailangan na ring magimpok ng salapi dahil gusto na naming bumili ng sarili subdivision este bahay. 21 years ng nagaabroad si paps pero wala pa kaming sariling bahay. Sobrang dami kasing pagsubok sa buhay, gapang kung gapang ang ginawang pagpapaaral sa amin ni paps kaya kating kati na akong magwork at ng makatulong na ako sa aking pamilyey. =D

Oh crap! Naging heavy yung post ko, tss Di bale atleast di na masyadong sabaw hahaha for the past 5 months ang dami kong natutunan sa buhay sa totoo lang, ang dami kong nabuong pangarap, ang dami kong pangakong ginawa, at ang dami kong natutunan tungkol sa sarili ko. Ikekwento ko sa inyo yung mga yun next time super friends, pangako yan! Oh sya till next post! Mwuah!

19 comments:

  1. Mga librong nobela naman, baka magustuhan mong basahin, magaganda din. Bawas inip sa bahay. Basta kapag may opurtunidad na dumating, kunin mo na. Sa mga pagsubok, basta 'wag mawalan ng tiwala kay God. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku tama ka dyan anthony-kun kapit lamg talaga. Kapit kung kapit sa faith. Thankie!! \(^3^)/

      Anyway..ang dami ko na ring nabasang novel, stories sa wattpad and yung mga pocketbook ko. Naku bonga lang hahahaha

      Delete
  2. Jaid *hugs* :))

    Ayus lang yan, pasasaan ba at in God's perfect time, maachieve mo din ang dream mong magkaroon ng bonggang trabaho. Alam naman ni Lord ang lahat ng struggles ng inyong pamilya, stay put lang, kalma, kapit sa kanya at maniwala. Huwag bibitiw!

    Always look up lang and follow the sun!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Aww thank you sa encouragement kapatid. \(^3^)/

      Delete
  3. *hugs!!!

    Hindi talaga madaling maghanap ng trabaho, lalo na kapag may mga bagay na kailangan mong intindihin pa (in your case, home duties). Alam kong makakahanap ka din ng perfect work for u. Abang abang lang, tyaga lang, online online submission muna. :)

    Aabangan ko ang iyong susunod na post na nagsasabing "I'm hired!" hehe :)

    http://theyellowpadchronicles.blogspot.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku magdilang anghel ka sana sis. Thank you sa pagdalaw ill visit you din. \(^3^)/

      Delete
  4. naku. SUPER I FEEL you sis!! SIguro alam mo din naman. ANg ironic lang eh noh? Naghahanap ka nga ng trabaho para magkapera.. pero kailangan mo pa rin ng pera para makahanap ng trabaho.

    And i'm happy you are willing to help your family.. basa ka ng mga financial aid na mga books..or sa internet kung paano mag save long term.. at soon enough magkakatotoo ang mga pangarap mo...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku kakailanganin ko nga yan sis kamil. Pangarap ko pa namang magtayp nh sarili kong business after 10years mga ganyan ayoko namang maging empleyado forever so kailangan talagang matutong magimpok. Hihihi \(^3^)/

      Delete
  5. Sandali na lang yan at matatapos na ang pagiging tambay girl mo, wait ka lang for the right time Super Jaid :) You have the best intentions for yourself and your family so I'm sure pag may work ka na ay push na lahat ng goals and dreams mo for them :)

    Hugs and I wish you the best Super Jaid! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. *huggies* \(^3^)/

      Naku thank you kuya zai. Pangarap ko ring magkaroon ng sariling kaharian like you. Mwuah!!

      Delete
  6. aww jaid. there's a rainbow after the rain sabi nga. things will get better. :) i admire your honesty and love for your family. ♥ download movies & ebooks, that might help you. or start a scrapbook, make a vision board (of your dreams, travel plans, etc.), anything that will take away your boredom. i'm just a tweet away. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Medyo shy ako sa twitter sis eh ewan ko ba. Hahaha anyway..sige ititweet kita. *kilig* hahaha kiligin daw ba nyahahaha di ako masyadong movie buff pero mas lalong di ko kaya ang mga arts and craft so baka yung pagDL na lang movies ang sundin ko sis. Thank you!! \(^3^)/

      Delete
  7. A tambay's thought. I've been there.

    Yung mga nraramdaman mo normal yan. hahaha

    nakarelate ako maigi. reminisce lang. ganyan. hehehe

    pag nagka work ka na mamimiss mo din yung mga ginagawa mo ngayon.

    Ngiti lang superjaid! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naisip ko nga rin yun eh kuya bagotilyo kaso mas feel ko pa rin yung may kumikitang kabuhayan kakayanin ko pa rin naman sigurong isingit ang hobbies ko kahit may work na. Anyway..thank you sa pagdalaw. Its an honor. \(^3^)/

      Delete
  8. Natawa ako sa gusto mo nang i-give up ang pagiging tambay ha ha ha

    Sensya na girl ngayon ko lang napalitan yung blog mo sa blog roll ko hayan updated na ngayon yey!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku madam. Ok lang. Thank you sa pagdalaw. Its an honor. \(^3^)/

      And yes suko na ko sa pagiging tambay feeling ko kasi bawat oras na lumilipas kinakalawang na skills and knowledge ko sa field ko mahirap naman ata yun. Hehehe

      Delete
  9. big things come in the future! at masasabi mo its worth to wait!

    gusto ko tlga blog mo parang nagkukuwento ka lng parang nasa tabi ko lng ngaun ahahahha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kakaexcite naman yang big things na yan kuya! Bet na bet ko yan. \(^3^)/

      And thank you, dont worry next time magigig for real na yang kwentuhang magkatabi na yan. =))

      Delete
  10. aw ramdam kita sis, at bago pala blogs mo?? (ay hindi halata) hehehe! aliw naman ako magbasa sa post mo, may kurot pero happy pa din. basta wait lang for the right moment, everything happen in perfect time in God's plan (ansabe, deep deepan din, hehe) :)

    ReplyDelete