Monday, September 30, 2013

Chicken and Mushroom in Oyster Sauce with String Beans ala Superjaid.

Tinamad magluto kanina si mom, so no choice ako but to cook our dinner. Nagpabili na ako ng ingredients, kaso mali yung part ng chicken na nabili so next time na lang daw ang Chicken Cordon Bleu na dapat iluluto ko at dahil nabili na yung mga ingredients, nagdesisyon akong maghalungkat ng fridge na isasama ko sa chicken na nabili for the cordon bleu sana, nakakita ako ng string beans, then naalala ko na may oyster sauce pa sa pantry kaya naisipan kong magluto ng chicken and mushroom in oyster sauce with string beans. Let me share to you how it is made, you can try it if you want to. =D
  • 3pcs chicken (thigh part) cut it into 1 inch thick strip
  • string beans
  • a can of sliced mushroom
  • 3-4 tablespoon of oyster sauce
  • 3 cloves of garlic
  • 1/2pc onions
  • 1 tablespoon all purpose flour
  • 20g butter
  • oil
  • salt and paper to taste
  • half a cup of water
After preparing the ingredients, you can now heat the pan and lower the heat and now put the butter. Next, put the onions first then the garlic and saute. Mas mabilis kasi masunog ang garlic kaya yun ang dapat unahin. Isunod ang mushrooms and saute ulit. Put some oil para di masunog ang butter, then afterwards you can now put the string beans and some water then cover. Let is simmer under medium heat for 3-5 minutes. Medyo matagal kasing maluto ang string beans so i will help to shorten the cooking time kung tatakpan mo yun pan. =D 

Uncover and lower the heat after 3-5 minutes, and let it simmer until the sauce is reduced and thickens. While waiting, season the chicken with salt and pepper, if the sauce is ready you can now put the chicken. Put the oyster sauce and water. Then put the flour for the sauce to thicken. Season with some pepper and let it cook for 10 more minutes and viola! You can now enjoy your very own Chicken and Mushroom in Oyster Sauce with String Beans.

Good for 2-3 servings.

Enjoy your meal super friend! =D

Tuesday, September 3, 2013

S.

Hi Super Friends! Ang tagal na nung huli kong post, 18 days ago pa, dyusme ako na ang sabaw! Hahaha Di ko alam kung paano ko susundan yung "feeling" matalino post ko. Sabaw na sabaw lang talaga ang kautakan ko ngayon at isa pa rin akong dakilang tambay. Wahahahaha Napa-"WHAT???" siguro kayo ng bonga sa sinabi kong tambay pa rin ako till now samantalang 5months na ang lumipas nung gumraduate ako eh waley pa rin ang kagandahan ko, di pa rin working girl ang peg. Di naman sa nahihirapan akong maghanap, ang totoo nyan eh di pa talaga ako naghahanap. Yeah, di pa ako nagstart magpasa ng resume and stuffs like that. Wanna know why? Kasi walang salapi. Di pa ako kasama sa household budget. Napauwi kasi si Paps from Abu Dhabi at last month lang sya nakaalis papuntang lupain ng mga arabo so ayun kapag maiksi ang kumot matutong mamaluktot ang peg ng whole family. Nasa 3rd year college ang isa sa aking sisterette and 4th year high school at grade 6 naman ang pangatlo at bunso. So kinda bonga gastos ang whole pamilya me kaya saka na lang daw muna ako maghanap kapag may maibibigay na sila mom and dad na kaperahan sa akin to pursue my working girl dream. Hahahaha

Bagot na bagot na talaga ako in all honesty, as in! Nabasa ko na lahat ng manga na pwede kong basahin, panuorin ang lahat ng anime na meron ako, rerun pa nga ng rerun ang peg nung iba. Nasuya na rin ako sa kakainternet at kakapuyat. Sukang suka na talaga ako ng walang ginagawa. for the last 5months. Suko na ako sa buhay tambay. Di ko kaya. I give up!! Di ko nga alam kung paano nakakatagal yung iba dyan eh siguro dahil di naman ako lumalabas ng bahay, amputla putla ko na kaya. Ok lang naman ako na pumuti ako kaso yung healthy na pagputi naman sana. Hahahahaha

Actually kaya gusto ko na ring magkawork eh para na rin makatulong sa aking beloved pamilya, hahaha totoo yan promise! Syempre di ko itatanggi na para may sarili na akong pera at ng mabili ko mga gusto ko pero gusto ko rin talagang makapagbigay na ng perang pinaghirapan ko kay mader. Gustong gusto ko ng matupad yung pangarap kong every month eh idedate ko alternately ang isa sa kanila para ipagshopping. Deym! Kinikilig ako kapag naiisip ko yung shucks! =D Tapos bet na bet ko rin yung thought na pupunuin ko yung fridge namin para di puro tubig ang laman. Ang saya nun ramdam na ramdam ko yung excitement. Hahahaha

Ang dami pa rin kasi naming utang so yung sweldo ni paps eh mauubos agad pambayad wala ng extra para kahit papano eh may pangsplurge sila mom then kailangan na ring magimpok ng salapi dahil gusto na naming bumili ng sarili subdivision este bahay. 21 years ng nagaabroad si paps pero wala pa kaming sariling bahay. Sobrang dami kasing pagsubok sa buhay, gapang kung gapang ang ginawang pagpapaaral sa amin ni paps kaya kating kati na akong magwork at ng makatulong na ako sa aking pamilyey. =D

Oh crap! Naging heavy yung post ko, tss Di bale atleast di na masyadong sabaw hahaha for the past 5 months ang dami kong natutunan sa buhay sa totoo lang, ang dami kong nabuong pangarap, ang dami kong pangakong ginawa, at ang dami kong natutunan tungkol sa sarili ko. Ikekwento ko sa inyo yung mga yun next time super friends, pangako yan! Oh sya till next post! Mwuah!