Saturday, May 3, 2014

Dabalyu Pee Tea Es Dabalyu Pee Es Etch

Hi super friends!! Kamusta? As you all know Im working na. Medyo madaming idle time sa store kaya one time habang wala akong ginagawa at nagmumuni muni. Nakaisip ako ng ilang phrase then viola nakabuo ako ng maEMOng tula. Hope you guys will like it kahit na sobrang ikli at madrama. Wala pong pinaghuhugutan yan well pwedeng "past" ang pinaghuhugutan pero Im happy now even if Im single. Hehehe

Words unsaid,
Promises unkept.


Tears that shed,
Smiles that faded.


Words said,
Promises granted.


Stories untold,
Happiness unfold.

Wala pa akong naiisip na title, so if may maisasuggest kayong title just comment it below. Thank you!! Till next post super friends. Mwuaaah!!

Sunday, April 20, 2014

Back from the Dead.

Its been awhile since I last posted something on this blog of mine. Many things have happened, so many things, aabutin siguro ako ng siyam siyam kung ikekwento ko lahat yung dito Hahaha

In all honesty naisipan kong magblog kasi sobrang namiss ko magsulat eh yung feeling na nagkoconstruct ka ng sentence, yung feeling na may magagamit kang channel to express yourself, kaya habang naliligo ako kanina nakapagdecide na akong magpopost ako ng kahit isa lang. Di ako magpopromise na magtutuloy tuloy na akong makakapagblog kasi medyo busy na sa work.

Deym eto na nauubusan na akong ng sasabihin, tinatamaan nanaman ako ng writer's block but then so what right? ang importante naman sa akin eh im happy doing this post, like really happy. I know its babaw and all but then if writing this nonsense brings me happiness then go lang right? hahaha

Anyway, till next post super friends. Have a blessed sunday! Chuu~!!

Saturday, December 28, 2013

Happy Holidays!

Ok first nagpapasalamat ako kay sis kamil ng Do More of What Makes You Happy dahil sa pagtatag nya sa akin sa All I Want For Christmas kaso dahil sa ilang araw akong nawalan ng net di na umabot for christmas yung post ko dapat so di na ako gagawa ng post about dun. Ugh. Naexcite pa naman ako nung naitag ako. Oh well. Wala na tayong magagawa nangyari na ang nangyari. Kaya ang post na ito eh gagawin ko na lang na selfish year ender, oh yes selfish year ender dahil tungkol lang ito sa akin hahaha di na ako maglalagay ng mga nangyari sa pinas kasi depressing lang mga natatandaan ko eh kaya wag na lang hahaha


  1. Graduation - Last April 11, natanggap ko na rin after 5years of studying ang pinakaaasam asam na Diploma. 5years kasi nagtransfer, nagstop ng isang semester at ilang aberya sa pagkuha ng subjects ang pinagdaanan ko. Hahaha
  2. 6 months ng pagtambay - oh yeah! anim na buwan din akong tumambay. Dapat 3-4months lang yan kaso nausog ng nausog ang paghahanap ko ng work dahil na rin sa financial and family issues. Kaya from April - October isa akong dakilang tambay hahaha
  3. New Blog - alam nyo na to for sure kaya nga nababasa nyo itong post na to hahahaha matagal kong pinagisipan ang bagong blog na to. Ilang buwan din at sangkaterbang lakas ng loob ang kinailangan ko para gawin at buksan ang This is A New Beginning. So far, Im happy with my decision. Medyo Sabaw pa rin ako pero sa 2014 Im sure mas mapapadalas na ang pagbablog ko. =D
  4. Hired - finally may work na rin ako, technically sa january pa ang start ko kasi under construction pa yung store but then mas na ako syempre di na ako kasama sa list ng mga unemployed hahaha at super nakakatuwa si boss at mga magiging colleagues ko. Nakasama ko na kasi sila at nakabond once so medyo alam ko na ugali nila bago pa man kami magstart. Kaya nagpapasalamat ako sa lahat ng support, encouragement at prayers na ibinigay nyo sa akin sa pakikibaka ko habang naghahanap ako ng work super friends. =D
Okaaay. Wala na akong maisip na importanteng nangyari sa buhay ko. Lame! hahaha Oh well, there's always a room for improvement naman so for the year 2014, Im so sure na mas magiging makulay ang buhay ng inyong heroine at ng blog na to. Till next post super friends. Happy holidays!=D

Friday, December 13, 2013

Inside the Unproductive days of a Heroine called Superjaid

December na. Ilang araw na lang pasko na. Usually nung estudyante pa ako, ganitong panahon eh naghahabol na ako ng mga kung ano anong school related stuffs kasi prelims na by next week. Sandamakmak na ang quizes at assignment. Pero ngayong graduate na ako, nakakamiss din pala yung ganung feeling. Masyado na kasing monotonous (yan ba yung word? Ay ewan) or paulit ulit yung nangyayari sa buhay ko ngayon. As in paulit ulit. Babangon ng around 11am or 12nn, check ang phone magoonline para maglaro ng virtual boyfriend ( oo naglalaro ako nyan may angal?) then titingnan kung may update sa mga binabasa kong manga then tatayo na at magtitimpla ng ice cold milo habang nagtsecheck ng fb, twitter at instagram. Bihira ang notifs ko sa fb at twitter kaya madalas nasa instagram ako. Tingin tingin lang ng mga bagong post ng mga kaibigan or ng mga online shop na pinafollow ko. Pagkatapos kakain na ng lunch (around 2-3pm) then magbabasa na maghapon. Mapatagalog romance novel (bagong bili or reread) or manga or amateur stories on wattpad (english or tagalog). Minsan english paperback or ebook kapag may nairecommend ang isang super friend na madalas eh kapatid ko or si mareng sam. Check check ng nilalarong game at instagram in between reading, ng mga pasulpot sulpot na messages sa fb at twitter, (walang nagtetext sa akin kahit everyday akong unli, tatlong tao lang na medyo bihira pa). Pagkatingin ko sa relo nyan gabi na. Oras na para magdinner then ipagpapatuloy ang pagbabasa hanggang matapos or makatulugan (around 3-5am). Then gigising ulit and repeat until fade.

See? Sobrang monotonous ng buhay ko. Unti unti na rin akong nagiging introvert, feeling ko kasi kinakaya kong halos di magsalita maghapon. Tatawa lang ako na parang baliw or kikiligin dahil sa binabasa ko then yun lang. Nagtsitsismisan naman kami ni mama pero dahil mas trip nyang matulog kapag walang ginagawa or magfb kaya mga 1hour sa loob ng 15hours na gising ako. Haaay Anyway..every sunday nababago naman ang routine ko, nagpupunya kasi kaming church. Ang saya nga eh ako kasi ang may hawak ng gitara kapatid ko naman yung worship leader. Maliit lang ang church namin pero masaya kasi basta masaya. Hehehe kaya siguro kinakaya ko ang isang buong linggo ko kasi narerecharge ako ng bonga kapag sunday. =D Kaso nasa manila na ako now. Wala akong sunday na ilolook forward. Namimiss ko na si blue (yung gitara ng church). Namimiss ko ng magkinig kay pastor. Im feeling so down. Sana may mahanap akong church dito na pwede kong attendan. At sana makahanap na ako ng work. Isama nyo ako sa prayers nyo ah super friends.

Sige tatapusin ko na tong post na to. Nonsense naman hahaha salamat sa pagbabasa at pasensya na sa pagaaksaya ko ng oras mo. *huggies* chuuu!! \ ( ^ 3 ^ ) /

PS.
Talk to me in facebook or twitter. Sasagot ako promise. Lagi akong online. Hehehe

Thursday, November 28, 2013

Just Believe.

"If you believe, you will receive whatever you ask for in prayer." -- Matthew 21:22
I am getting really anxious again. I've been a bum for almost a year now and it kinda sucks, like totally. But I believe that God have plans for me, great plans that is. So I know that I just have to do what I have to do and let Him have His way on my life.
"We live by faith, not by sight." 2 Corinthians 5:7
Anxiety is something we people always have in our hearts. It's in our nature, I believe. But we have to stick to our faith. Just pray and pray. Let things happen in God's perfect timing, for He answers our prayers in 3 possible ways, it's a YES, NO, and WAIT. So we just have to hold unto God promise. Great things happens to those who wait. =D

Thursday, November 21, 2013

Random Stuffs

I miss you super friends. I really do. Anyway..my life's kinda like a roller coaster ride right now, almost a year na rin ganito, nagiging okay na ang lahat halos kaso medyo negative pa rin ang career life ko. Which is kinda good and bad, good kasi hawak ko pa ang oras ko, I can do whatever I want the bad thing is until now di pa rin ako kumikita, wala pa ring trabaho samantalang ilang buwan na ang lumipas simula ng grumaduate ako. And I am really at my limit, nasabi ko na sa previous post ko na sandamakmak na ang nabasa ko at napanuod, nakakatamad na ring maging tambay. Seriuosly, sobrang nakakatamad na talaga. Atat na atat na akong magkwento ng new adventures at new experiences na mararanasan ko kapag may work na ako kaso until now, waley pa rin. Tss

Hindi naman sa walang nagreresponse sa mga pinasahan ko ng resume kaso puro negative ang result tapos dun sa isa nakailang balik ako tapos "We'll call you" din pala ang bagsak. Tss Umasa pa naman ako ng husto dun. Haaay Oh well, di bale feeling ko way lang to ni God para mawala yung anxiety ko sa new journey ko. Bago kasi ako nagstart maghanap ng work, medyo down ako kasi di ko alam kung paano ko haharapin at pano na ako ngayon graduate na ako and all. Feeling ko kulang pa yung natututunan ko sa school, feeling ko di pa ako ready, mga ganun thoughts but then after all ng ilang interviews and stuffs, normal na ako hahaha kinakabahan pa rin ako syempre kapag humaharap sa interviewer pero mas confident na ako unlike nun first na halos himatayin ako sa kaba wahahaha

Nasa pangasinan ako ulit now, wala naman kasi akong gagawin sa manila hanggat wala akong scheduled interview, puro kasi online application ginagawa ko para tipid medyo gipit pa rin kasi kami eh =D I'm still spending my time reading, wala na kasi akong mapanuod sa hard drive ko na interesting. Ayoko ng mag-rewatch ng kahit anong series kaya puro basa ng love stories (ofcourse! hopeless romantic eh) ang inaatupad ko now and surfing the net. Sobrang monotonous ng buhay ko now, puro ebooks and wattpad stories pinagkakaabalahan ko, ay! nagbabasa din pala ako ng pocketbook kapag may bago akong bili. Haaay that's it wala na akong masabi kasi naman sobrang bored na bored na ako hahaha I'm enjoying the company of my ebooks but I want to do something productive and profitable. Kaya super friends I am requesting for your prayers na sana by the end of the year may work na ko. Sige till next post super friends, mwuuuah! \(^ o ^)/ 

Saturday, November 2, 2013

--

"Every moment of fear is an opportunity to trust God."