Thursday, November 21, 2013

Random Stuffs

I miss you super friends. I really do. Anyway..my life's kinda like a roller coaster ride right now, almost a year na rin ganito, nagiging okay na ang lahat halos kaso medyo negative pa rin ang career life ko. Which is kinda good and bad, good kasi hawak ko pa ang oras ko, I can do whatever I want the bad thing is until now di pa rin ako kumikita, wala pa ring trabaho samantalang ilang buwan na ang lumipas simula ng grumaduate ako. And I am really at my limit, nasabi ko na sa previous post ko na sandamakmak na ang nabasa ko at napanuod, nakakatamad na ring maging tambay. Seriuosly, sobrang nakakatamad na talaga. Atat na atat na akong magkwento ng new adventures at new experiences na mararanasan ko kapag may work na ako kaso until now, waley pa rin. Tss

Hindi naman sa walang nagreresponse sa mga pinasahan ko ng resume kaso puro negative ang result tapos dun sa isa nakailang balik ako tapos "We'll call you" din pala ang bagsak. Tss Umasa pa naman ako ng husto dun. Haaay Oh well, di bale feeling ko way lang to ni God para mawala yung anxiety ko sa new journey ko. Bago kasi ako nagstart maghanap ng work, medyo down ako kasi di ko alam kung paano ko haharapin at pano na ako ngayon graduate na ako and all. Feeling ko kulang pa yung natututunan ko sa school, feeling ko di pa ako ready, mga ganun thoughts but then after all ng ilang interviews and stuffs, normal na ako hahaha kinakabahan pa rin ako syempre kapag humaharap sa interviewer pero mas confident na ako unlike nun first na halos himatayin ako sa kaba wahahaha

Nasa pangasinan ako ulit now, wala naman kasi akong gagawin sa manila hanggat wala akong scheduled interview, puro kasi online application ginagawa ko para tipid medyo gipit pa rin kasi kami eh =D I'm still spending my time reading, wala na kasi akong mapanuod sa hard drive ko na interesting. Ayoko ng mag-rewatch ng kahit anong series kaya puro basa ng love stories (ofcourse! hopeless romantic eh) ang inaatupad ko now and surfing the net. Sobrang monotonous ng buhay ko now, puro ebooks and wattpad stories pinagkakaabalahan ko, ay! nagbabasa din pala ako ng pocketbook kapag may bago akong bili. Haaay that's it wala na akong masabi kasi naman sobrang bored na bored na ako hahaha I'm enjoying the company of my ebooks but I want to do something productive and profitable. Kaya super friends I am requesting for your prayers na sana by the end of the year may work na ko. Sige till next post super friends, mwuuuah! \(^ o ^)/ 

2 comments:

  1. ok lang yan dumaan din ako sa ganyang pagsubok marahil di para sa iyo yung mga kumpanyang pinasahan mo, malay mo may biglang dumating sa di inaasahang pagkakataon at dun ka may excel sa bagay na yun di ba.. ika nga nila dadating at dadating ang para sa iyo sa tamang panahon at pagkakataon...

    ReplyDelete
  2. parang kelan lang nag-aaral ka pa, now you're looking for a job na, and I wish you good luck!!! Sana nga makahanap ka na para marami kang pang-gift sa Pasko :)

    ReplyDelete