Friday, December 13, 2013

Inside the Unproductive days of a Heroine called Superjaid

December na. Ilang araw na lang pasko na. Usually nung estudyante pa ako, ganitong panahon eh naghahabol na ako ng mga kung ano anong school related stuffs kasi prelims na by next week. Sandamakmak na ang quizes at assignment. Pero ngayong graduate na ako, nakakamiss din pala yung ganung feeling. Masyado na kasing monotonous (yan ba yung word? Ay ewan) or paulit ulit yung nangyayari sa buhay ko ngayon. As in paulit ulit. Babangon ng around 11am or 12nn, check ang phone magoonline para maglaro ng virtual boyfriend ( oo naglalaro ako nyan may angal?) then titingnan kung may update sa mga binabasa kong manga then tatayo na at magtitimpla ng ice cold milo habang nagtsecheck ng fb, twitter at instagram. Bihira ang notifs ko sa fb at twitter kaya madalas nasa instagram ako. Tingin tingin lang ng mga bagong post ng mga kaibigan or ng mga online shop na pinafollow ko. Pagkatapos kakain na ng lunch (around 2-3pm) then magbabasa na maghapon. Mapatagalog romance novel (bagong bili or reread) or manga or amateur stories on wattpad (english or tagalog). Minsan english paperback or ebook kapag may nairecommend ang isang super friend na madalas eh kapatid ko or si mareng sam. Check check ng nilalarong game at instagram in between reading, ng mga pasulpot sulpot na messages sa fb at twitter, (walang nagtetext sa akin kahit everyday akong unli, tatlong tao lang na medyo bihira pa). Pagkatingin ko sa relo nyan gabi na. Oras na para magdinner then ipagpapatuloy ang pagbabasa hanggang matapos or makatulugan (around 3-5am). Then gigising ulit and repeat until fade.

See? Sobrang monotonous ng buhay ko. Unti unti na rin akong nagiging introvert, feeling ko kasi kinakaya kong halos di magsalita maghapon. Tatawa lang ako na parang baliw or kikiligin dahil sa binabasa ko then yun lang. Nagtsitsismisan naman kami ni mama pero dahil mas trip nyang matulog kapag walang ginagawa or magfb kaya mga 1hour sa loob ng 15hours na gising ako. Haaay Anyway..every sunday nababago naman ang routine ko, nagpupunya kasi kaming church. Ang saya nga eh ako kasi ang may hawak ng gitara kapatid ko naman yung worship leader. Maliit lang ang church namin pero masaya kasi basta masaya. Hehehe kaya siguro kinakaya ko ang isang buong linggo ko kasi narerecharge ako ng bonga kapag sunday. =D Kaso nasa manila na ako now. Wala akong sunday na ilolook forward. Namimiss ko na si blue (yung gitara ng church). Namimiss ko ng magkinig kay pastor. Im feeling so down. Sana may mahanap akong church dito na pwede kong attendan. At sana makahanap na ako ng work. Isama nyo ako sa prayers nyo ah super friends.

Sige tatapusin ko na tong post na to. Nonsense naman hahaha salamat sa pagbabasa at pasensya na sa pagaaksaya ko ng oras mo. *huggies* chuuu!! \ ( ^ 3 ^ ) /

PS.
Talk to me in facebook or twitter. Sasagot ako promise. Lagi akong online. Hehehe

7 comments:

  1. Jaid!!! *super hugs*

    Naku, don't feel bad kung hindi ka pa rin makahanap ng work sa ngayon. I know in God's perfect time, ipagkakaloob rin niya kung ano ang nararapat sa iyo. Ang mahalaga sa ngayon ay patuloy ka pa rin na kumapit at manalig sa kanya. Stay positive lang. As long as wala kang sinasaktan or tinatapakang tao sa mga nakasanayan mong gawin araw-araw, go go sago lang! hihihi :))

    Merry Christmas!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Aww sweet. Arigatou fiel-kun. *huggies* isama mo ako sa prayers mo ah. Thank you talaga sa encouragement. *huggies* by the way merry christmas din. (^₩^)//

      Delete
  2. HUUUUUUUG! :D Alam mo pareho tayo ng routine. Alam ko nakakabored, pero try to make the most out of it na lang dn siguro. Like, maybe, watch some movies, freelance writing or learn a new recipe! Hehe! :3

    Basta, be positive lang. I know you'll find a job real soon! Tiis tiis lang. :)
    Also: willing ako itext ka everyday. Unli din ako palagi, isa lang katext ko. Hehe!

    Let's go Jaid! :D

    ReplyDelete
  3. SIS! Alam mong pinagdaanan ko din yang pinagdadanan mo. Minsan parang ayaw mo na marinig yung comment sayo na "KAYA mo YAN!" kahit minsan yun yung kailangan mo, pero minsan nakakaumay na pakinggan.

    CLAIM IT! Na magkakawork ka na. Sabi nga nila, paano ka naman makakasalo ng biyaya kung nakasara ang mga palad mo!

    At totoo lang wala na ako masabi.

    ReplyDelete
  4. I pray that you find a church dito pati na din isang bonggang work para may loo-look forward to ka na :)

    Napag daanan ko din ang phase na yan dati nung kaka graduate ko lang at relate ako sa pagkasawa sa araw araw na lang ay walang bagong ginagawa. Naisip ko pa dati mag layas kaya ako, ng maiba lang. Pero di ko tinuloy syempre, wala naman dahilan, sabihan pa akong eksenadora haha! :)

    Siguro para maiba, try mo gawa ng little challenges, gaya ng pagtimpla ng Milo habang naka blindfold. O kaya magbasa ng manga habang naka split. O di ba ang wais ng suggestions ko hehe :)

    Ayan sana na aliw ka kahit ilang sandali sa comment ko Super Jaid :) Advance Merry Christmas! :)

    ReplyDelete
  5. times like this, we'd find comfort by trusting God's plan. you'll get through this jaid. :)

    ReplyDelete
  6. Gusto ko makipagpalit sau ng routine no na! Hihihi

    ReplyDelete