Monday, August 19, 2013

Fear is an Option. Happiness is a Choice.

Each one of us experienced pain, physically and especially emotionally. Munting sakit o sakit na nakapagiwan sa atin ng malaking pilat. Lahat tayo ayaw masaktan (except a masochist =D) lalo na sa larangan ng pagibig. Bawat desisyon natin tinitimbang natin ng mabuti para sa huli eh di tayo masaktan at mahirapan. Bawat galaw. Bawat desisyon. Pero kahit minsan ba di pumasok sa isip mo na kung yung isa ang pinili mo, ano ang nangyari? Kung umalis ka sa comfort zone mo at sumubok, ano kaya ang nangyari? Kung nagpatuloy ka lang kahit alam mong agrabyado ka, ano kaya ang nangyari? What if...what if...what if... Ang daming "What if?". So many questions na di natin masasagot kasi di tayo sumubok, dahil di tayo nagtake ng risk.

Naisip mo ba, na iba siguro ang buhay mo ngayon kung naging matapang ka lang. Mas masaya ka siguro ngayon kung sumubok ka lang. Girlfriend mo na siguro siya kung nagtapat ka lang. Mayaman ka na siguro kung naginvest ka lang. Naintindihan ka sana ng mga magulang mo kung nagsabi ka lang. Napakaraming pwedeng magbago kung di ka natakot at sumubok. Mahirap masaktan. Given na yan. Pero di ba mas ok matalo ng may ginawa ka kesa sa natalo ka dahil sa umpisa pa lang naduwag ka na? Atleast wala kang pagsisisihan.

Nobody should be scared of taking a chance on love or life. The road maybe tough but it could be all worth it.
You’ve done your best di lang talaga laan sayo kaya ka natalo. But the experience and the things it taught you while giving it a shot, magandang premyo na yun di ba? Others say that pain (mistakes) is the best way to learn things in life and I so much agree with that. For me may mga bagay talaga na di mo matutunan at maiinitindihan “FOR REAL” kung di ka magkakamali o masasaktan. Mga bagay na tanging “PAIN” lang ang makakapagturo sa atin. I sound like a masochist here am I? Lol

Mahirap labanan ang takot, I know. Di ko naman masisisi ang iba kung susuko na sila kagad kahit di pa sila sumusubok kasi may kilala silang nasaktan na o sila mismo nasaktan na dati kahit naman ako takot din. Pero hahayaan ba natin na dahil LANG sa takot tayo eh di na tayo sasaya? Yung totoong kaligayahan ah. Sabi nga sa isang anime na napanuod ko, “If you decide not to do anything because you’re scared, things will stay this way forever. If you don’t want that then you have to do something about it.” Tama naman di ba? Dahil sa pagibig at buhay, walang mangyayari kung di mo susubukan. Sabi nga ni ate Sonia Francesca – one of my fave author ever.

Araw-araw marami tayong ginagawang desisyon, mula sa mga maliliit na bagay tulad ng kung ano ang isusuot o kakainin hanggang sa mga malalaking bagay tulad ng kung ano ang kukuning kurso para sa mga estudyante o kung sino ang pipiliin nating mapangasawa. Napakaraming desisyong dapat gawin, napakaraming bagay ang dapat isipin. Life sure is full of choices. Left or Right. Up or Down. Yes or No. Etc. Etc. Kahit ano man ang piliin natin, for me dapat di tayo magpatalo sa takot na ating nararamdaman. Kung ano man ang piliin natin dapat pagisipan natin ito ng mabuti. Syempre di naman pwedeng sige lang ng sige. Dapat bawat hakbang na gagawin natin ilang beses nating pinagisipan, lahat ng angulo tinake into consideration. At kapag nakapagdesisyon na tayo, di na tayo lilingon ulit sa nakaraan. Lumingon man tayo, dapat para na lang alalahanin yung mga natutunan natin sa journey na yun. Dapat kasi yakapin natin ng buong buo ang naging resulta ng iyong napagdesisyonan. Tama man o mali ang iyong naging desisyon. We can learn from our mistakes naman eh at tulad nga ng nasabi ko some things can only be learned through mistakes. And we should also remember that all things happen for a reason.

13 comments:

  1. Siguro kaya natatakot ang iba na mgtry dahil takot sila sa frustrations and failure...pero not in my case..mag fail man ako..I know na I olways give my very best whenever I try something or I do something...

    I likes this post=)

    ReplyDelete
  2. Wag kang matakot na baka magkamali
    Walang mapapala kung di ka magbakasakali
    Dahil lumilipas ang oras
    Baka ka maiwanan kung hindi mo susubukan

    --sabi sa isang kanta ng isang kontroberyal na bokalista ng banda ngayon. sa mga malalaking desisyon na gagawin, pagisipang maige, matuto sa mga nakaraang pagkakamali at gawin ang best. tiwala s diyos.

    ReplyDelete
  3. I need this post jaid. Medyo takot kasi ako sa maraming bagay sa mundo. Haha. I really have to make a choice.

    ReplyDelete
  4. Nice sis! Minsan talaga.. bakit ba hindi na lang natin i-set free and ating mga isip.. at gawin na lang ang dapat gawin.. tumalon tayo sa bangin kung yun ang magpapalaya sa atin.. nakakatakot.. madaming pumapasok sa isip natin na takot.. pero talon lang!

    ReplyDelete
  5. and in every decision we make we should include prayers and ask Him for guidance... I believe in "everything happens for a reason".. welcome back superjaid!

    ReplyDelete
  6. Rainy Good Morning SuperJaid! AT last na kita at follow na ulit kita :)

    Isang malaking check sa lahat ng sinabi mo. We need to take risks kahit takot tayo, di lang sa love, kundi sa lahat ng mga bagay. We need to take chances dahil di man maging successful or okay, at least we learn from the things that we experience :)

    ReplyDelete
  7. Tama ka jan Jaid. Somehow ay nakakarelate din ako sa mga nabanggit mo dito about battling out our fears. I will keep it mind. Thanks!

    ReplyDelete
  8. I agree.. embrace every decisions you make and then panindigan ang desisyon..

    ReplyDelete
  9. Pero pag andun ka sa isang sitwasyon , ang fear ang una mong mararamdaman! Hindi mo mararamdaman ang happiness but kung issuccumb mo ung fear tiyak mgiging happy ka... Parang ako lng ...

    ReplyDelete
  10. Ang sarap basahin ng post na ito. Swak lang sa feelings ko.
    At tama ka. It is always a choice.

    ReplyDelete
  11. wow, from the heart ito jade ah. :)sabi nga nila, either you succeed or you learn a lesson. go lang ng goooo hehehe :P

    ReplyDelete
  12. overcome your fear para wala ng option.. got failed? then learn from it. Atleast natry. mas happy yun :)

    ReplyDelete