Each one of us experienced pain, physically and especially emotionally. Munting sakit o sakit na nakapagiwan sa atin ng malaking pilat. Lahat tayo ayaw masaktan (except a masochist =D) lalo na sa larangan ng pagibig. Bawat desisyon natin tinitimbang natin ng mabuti para sa huli eh di tayo masaktan at mahirapan. Bawat galaw. Bawat desisyon. Pero kahit minsan ba di pumasok sa isip mo na kung yung isa ang pinili mo, ano ang nangyari? Kung umalis ka sa comfort zone mo at sumubok, ano kaya ang nangyari? Kung nagpatuloy ka lang kahit alam mong agrabyado ka, ano kaya ang nangyari? What if...what if...what if... Ang daming "What if?". So many questions na di natin masasagot kasi di tayo sumubok, dahil di tayo nagtake ng risk.
Naisip mo ba, na iba siguro ang buhay mo ngayon kung naging matapang ka lang. Mas masaya ka siguro ngayon kung sumubok ka lang. Girlfriend mo na siguro siya kung nagtapat ka lang. Mayaman ka na siguro kung naginvest ka lang. Naintindihan ka sana ng mga magulang mo kung nagsabi ka lang. Napakaraming pwedeng magbago kung di ka natakot at sumubok. Mahirap masaktan. Given na yan. Pero di ba mas ok matalo ng may ginawa ka kesa sa natalo ka dahil sa umpisa pa lang naduwag ka na? Atleast wala kang pagsisisihan.
Nobody should be scared of taking a chance on love or life. The road maybe tough but it could be all worth it.
You’ve done your best di lang talaga laan sayo kaya ka natalo. But the experience and the things it taught you while giving it a shot, magandang premyo na yun di ba? Others say that pain (mistakes) is the best way to learn things in life and I so much agree with that. For me may mga bagay talaga na di mo matutunan at maiinitindihan “FOR REAL” kung di ka magkakamali o masasaktan. Mga bagay na tanging “PAIN” lang ang makakapagturo sa atin. I sound like a masochist here am I? Lol
Mahirap labanan ang takot, I know. Di ko naman masisisi ang iba kung susuko na sila kagad kahit di pa sila sumusubok kasi may kilala silang nasaktan na o sila mismo nasaktan na dati kahit naman ako takot din. Pero hahayaan ba natin na dahil LANG sa takot tayo eh di na tayo sasaya? Yung totoong kaligayahan ah. Sabi nga sa isang anime na napanuod ko, “If you decide not to do anything because you’re scared, things will stay this way forever. If you don’t want that then you have to do something about it.” Tama naman di ba? Dahil sa pagibig at buhay, walang mangyayari kung di mo susubukan. Sabi nga ni ate Sonia Francesca – one of my fave author ever.
Araw-araw marami tayong ginagawang desisyon, mula sa mga maliliit na bagay tulad ng kung ano ang isusuot o kakainin hanggang sa mga malalaking bagay tulad ng kung ano ang kukuning kurso para sa mga estudyante o kung sino ang pipiliin nating mapangasawa. Napakaraming desisyong dapat gawin, napakaraming bagay ang dapat isipin. Life sure is full of choices. Left or Right. Up or Down. Yes or No. Etc. Etc. Kahit ano man ang piliin natin, for me dapat di tayo magpatalo sa takot na ating nararamdaman. Kung ano man ang piliin natin dapat pagisipan natin ito ng mabuti. Syempre di naman pwedeng sige lang ng sige. Dapat bawat hakbang na gagawin natin ilang beses nating pinagisipan, lahat ng angulo tinake into consideration. At kapag nakapagdesisyon na tayo, di na tayo lilingon ulit sa nakaraan. Lumingon man tayo, dapat para na lang alalahanin yung mga natutunan natin sa journey na yun. Dapat kasi yakapin natin ng buong buo ang naging resulta ng iyong napagdesisyonan. Tama man o mali ang iyong naging desisyon. We can learn from our mistakes naman eh at tulad nga ng nasabi ko some things can only be learned through mistakes. And we should also remember that all things happen for a reason.