Saturday, December 28, 2013

Happy Holidays!

Ok first nagpapasalamat ako kay sis kamil ng Do More of What Makes You Happy dahil sa pagtatag nya sa akin sa All I Want For Christmas kaso dahil sa ilang araw akong nawalan ng net di na umabot for christmas yung post ko dapat so di na ako gagawa ng post about dun. Ugh. Naexcite pa naman ako nung naitag ako. Oh well. Wala na tayong magagawa nangyari na ang nangyari. Kaya ang post na ito eh gagawin ko na lang na selfish year ender, oh yes selfish year ender dahil tungkol lang ito sa akin hahaha di na ako maglalagay ng mga nangyari sa pinas kasi depressing lang mga natatandaan ko eh kaya wag na lang hahaha


  1. Graduation - Last April 11, natanggap ko na rin after 5years of studying ang pinakaaasam asam na Diploma. 5years kasi nagtransfer, nagstop ng isang semester at ilang aberya sa pagkuha ng subjects ang pinagdaanan ko. Hahaha
  2. 6 months ng pagtambay - oh yeah! anim na buwan din akong tumambay. Dapat 3-4months lang yan kaso nausog ng nausog ang paghahanap ko ng work dahil na rin sa financial and family issues. Kaya from April - October isa akong dakilang tambay hahaha
  3. New Blog - alam nyo na to for sure kaya nga nababasa nyo itong post na to hahahaha matagal kong pinagisipan ang bagong blog na to. Ilang buwan din at sangkaterbang lakas ng loob ang kinailangan ko para gawin at buksan ang This is A New Beginning. So far, Im happy with my decision. Medyo Sabaw pa rin ako pero sa 2014 Im sure mas mapapadalas na ang pagbablog ko. =D
  4. Hired - finally may work na rin ako, technically sa january pa ang start ko kasi under construction pa yung store but then mas na ako syempre di na ako kasama sa list ng mga unemployed hahaha at super nakakatuwa si boss at mga magiging colleagues ko. Nakasama ko na kasi sila at nakabond once so medyo alam ko na ugali nila bago pa man kami magstart. Kaya nagpapasalamat ako sa lahat ng support, encouragement at prayers na ibinigay nyo sa akin sa pakikibaka ko habang naghahanap ako ng work super friends. =D
Okaaay. Wala na akong maisip na importanteng nangyari sa buhay ko. Lame! hahaha Oh well, there's always a room for improvement naman so for the year 2014, Im so sure na mas magiging makulay ang buhay ng inyong heroine at ng blog na to. Till next post super friends. Happy holidays!=D

Friday, December 13, 2013

Inside the Unproductive days of a Heroine called Superjaid

December na. Ilang araw na lang pasko na. Usually nung estudyante pa ako, ganitong panahon eh naghahabol na ako ng mga kung ano anong school related stuffs kasi prelims na by next week. Sandamakmak na ang quizes at assignment. Pero ngayong graduate na ako, nakakamiss din pala yung ganung feeling. Masyado na kasing monotonous (yan ba yung word? Ay ewan) or paulit ulit yung nangyayari sa buhay ko ngayon. As in paulit ulit. Babangon ng around 11am or 12nn, check ang phone magoonline para maglaro ng virtual boyfriend ( oo naglalaro ako nyan may angal?) then titingnan kung may update sa mga binabasa kong manga then tatayo na at magtitimpla ng ice cold milo habang nagtsecheck ng fb, twitter at instagram. Bihira ang notifs ko sa fb at twitter kaya madalas nasa instagram ako. Tingin tingin lang ng mga bagong post ng mga kaibigan or ng mga online shop na pinafollow ko. Pagkatapos kakain na ng lunch (around 2-3pm) then magbabasa na maghapon. Mapatagalog romance novel (bagong bili or reread) or manga or amateur stories on wattpad (english or tagalog). Minsan english paperback or ebook kapag may nairecommend ang isang super friend na madalas eh kapatid ko or si mareng sam. Check check ng nilalarong game at instagram in between reading, ng mga pasulpot sulpot na messages sa fb at twitter, (walang nagtetext sa akin kahit everyday akong unli, tatlong tao lang na medyo bihira pa). Pagkatingin ko sa relo nyan gabi na. Oras na para magdinner then ipagpapatuloy ang pagbabasa hanggang matapos or makatulugan (around 3-5am). Then gigising ulit and repeat until fade.

See? Sobrang monotonous ng buhay ko. Unti unti na rin akong nagiging introvert, feeling ko kasi kinakaya kong halos di magsalita maghapon. Tatawa lang ako na parang baliw or kikiligin dahil sa binabasa ko then yun lang. Nagtsitsismisan naman kami ni mama pero dahil mas trip nyang matulog kapag walang ginagawa or magfb kaya mga 1hour sa loob ng 15hours na gising ako. Haaay Anyway..every sunday nababago naman ang routine ko, nagpupunya kasi kaming church. Ang saya nga eh ako kasi ang may hawak ng gitara kapatid ko naman yung worship leader. Maliit lang ang church namin pero masaya kasi basta masaya. Hehehe kaya siguro kinakaya ko ang isang buong linggo ko kasi narerecharge ako ng bonga kapag sunday. =D Kaso nasa manila na ako now. Wala akong sunday na ilolook forward. Namimiss ko na si blue (yung gitara ng church). Namimiss ko ng magkinig kay pastor. Im feeling so down. Sana may mahanap akong church dito na pwede kong attendan. At sana makahanap na ako ng work. Isama nyo ako sa prayers nyo ah super friends.

Sige tatapusin ko na tong post na to. Nonsense naman hahaha salamat sa pagbabasa at pasensya na sa pagaaksaya ko ng oras mo. *huggies* chuuu!! \ ( ^ 3 ^ ) /

PS.
Talk to me in facebook or twitter. Sasagot ako promise. Lagi akong online. Hehehe