Friday, October 18, 2013

-

New beginning. That's the theme of this new blog of mine. Bagong buhay. Bagong mga karanasan. Bagong adventures. Bagong Superjaid. Yan yung gusto ko. But the shadows of our past keeps haunting us. Old problems keeps coming back. Holding unto our feet, gripping so tightly so that everytime we would try to step forward we can't. Sobrang hirap. Akala ko basta magpakatatag ako, maging positive thinker, eventually magiging ok din ang lahat. Kaso hindi eh that so so so painful dark past keep us from moving, overshadowing our suppose to be bright path. Kung kaya ko lang ibalik sa dati ang lahat gagawin ko, maging masaya lang ulit kami. Bumalik lang sa dati ang lahat. Kung pwede lang. Sana.


Ang hirap hirap. Sobrang sakit. Everytime I see my mom cry, a part of me dies. My oh so positive ideals crumbles before me. Gusto kong sumuko na lang. Para kasing wala ng katapusan yung mga problema paulit ulit na lang. As in paulit ulit na lang. Gusto ko ng magalit. Magwala. Magsisigaw. Manumbat. Kaso hindi pwede, ako yung ate dapat magpakatatag ako para hindi mawalan ng pagasa yung tatlo kong kapatid, at para maging magandang ehemplo na rin. Di sila pwedeng mawalan ng pagasa, di sila pwedeng malungkot, masyado pa silang bata. Kailangan ding maging matatag ako, positibo para sa mama ko, sa akin sya kumukuha ng lakas, ng pagasa, that eventually magiging ok din ang lahat. Di ako pwedeng umiyak. Di ako pwedeng manghina. Ako ang source nila ng lakas ngayon, ng positivity, ng lahat ng bagay. Pero pano kapag di ko na kaya? Kanino ako tatakbo?


Pera. Pamilya. Pag-ibig. Tiwala. Eskwela. Bahay. Bangko. Pagsasama. Kamaganak. Lakas. Distansya. Pagpapahalaga. Kapatid. Ama. Ina. Kasal. Trabaho. Pangarap. Extra. Emosyon. Ako. Oras.


So many words. Different meaning.


Naguguluhan ako. Nahihirapan. Pinipilit magpakatatag. Pinipilitin lumaban. Sa nakaraan. Sa kasalukuyan. Sa hinaharap. At sa kawalan.